October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Dzaddy' Sam Concepcion, nag-react sa mga 'naglaway' sa biceps niya

'Dzaddy' Sam Concepcion, nag-react sa mga 'naglaway' sa biceps niya
Photo courtesy: Sam Concepcion (FB)

Nahingan na ng reaksiyon at komento ang actor-singer na si Sam Concepcion patungkol sa panggigigil ng mga netizen sa kaniyang bortang katawan, na makikita sa mga kuhang larawan sa kaniyang performance sa musical play na "Once on This Island."

Ilang larawan din ang inilabas ng ilang netizens mula sa animo’y Sam version noon, sa Sam version daw ngayon. Kaya naman ang sambit ng netizens? “Dararat-da-Daddy,” sa halip na “Dati,” mula sa noo’y sikat na awitin ng aktor.

Sa panayam sa kaniya ng isang lokal na pahayagan, tila speechless pa si Sam sa witty at funny comments sa kaniya ng mga netizen, lalo na ang mga tumatawag sa kaniya ng "daddy."

Natatawa na lamang daw si Sam sa pagiging witty at funny ng mga Pinoy.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Mukhang hindi naman napipikon si Sam sa mga "naglaway" sa kaniyang magandang pangangatawan na malaki talaga ang improvement dahil sa kaniyang work out. 

Si Sam ay aktibo ngayon sa teatro, at bukod sa nabanggit na musical play, siya rin ang gumanap na "Popoy" sa theater adaptation ng "One More Chance" na unang sumikat bilang pelikulang pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

MAKI-BALITA: Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’