December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Chloe, 'di apektado 'pag sinasabihang bad influence kay Caloy?

Chloe, 'di apektado 'pag sinasabihang bad influence kay Caloy?
Photo Courtesy: Chloe San Jose (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Chloe San Jose kaugnay sa mga nagsasabing bad influence umano siya sa jowa niyang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Oktubre 6, sinabi ni Chloe na ang mga desisyon umano ng jowa niya ay hindi sa kaniya galing.

“Alam ko naman po ‘yong decisions po ni Caloy, sa kaniya naman po nanggagaling, e. Never ko naman po siyang sinabihang ‘Gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan,’” saad ni Chloe. 

Dagdag pa niya: “Lahat naman po [ng] nangyayari sa buhay ni Caloy, it’s all him. Even ‘yong nag-Olympics siya, ‘yong na-achieve niya, it’s all him."

Relasyon at Hiwalayan

Cesar Montano masaya sa relasyon nina Atong Ang, Sunshine Cruz

Matatandaang sa isang panayam ng ina ni Caloy na si Angelica Yulo ay isiniwalat nito na si Chloe umano ang dahilan kung bakit sila nagkagalit ng anak.

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?

Ngunit sa pamamagitan ng isang Facebook post ay pinabulaanan ni Chloe ang paratang sa kaniya ni Angelica.

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'

Ipinagtanggol naman ni Caloy ang jowa mula sa kaniyang ina sa pamamagitan ng halos pitong minutong video.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose