January 03, 2025

Home BALITA National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Catanduanes nitong Lunes ng madaling araw, Oktubre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:04 ng madaling araw. 

Namataan ang epicenter nito 118 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bagamanoc, Catanduanes, na may lalim na 68 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Virac, CATANDUANES. 

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ito raw ay isang aftershock mula sa magnitude 6.1 na lindol na yumanig sa baybayin ng Catanduanes noong Oktubre 2, 2024.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.