Niyanig ng 4.6-magnitude na lindol ang probinsya ng Masbate dakong 1:26 ng hapon nitong Linggo, Oktubre 6.
Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Monreal, Masbate, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Batuan, City of Masbate, at Milagros, MASBATE.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.