October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Bruno Mars kalokalike hinangaan: 'Kaboses talaga!'

Bruno Mars kalokalike hinangaan: 'Kaboses talaga!'
Photo courtesy: Kent Villarba (FB)

Pinalakpakan hindi lamang ng "It's Showtime" hosts at hurado ang sumaling "Kalokalike" ni Filipino-American singer Bruno Mars kundi maging ng madlang people sa studio audience kundi maging online, dahil sa pagiging kaboses niya sa ginagayang award-winning artist.

Nagulat ang madlang people at maging netizens sa boses ni Kent Villarba mula sa Cebu, matapos niyang awitin ang mga pinasikat na awitin ni Bruno gaya ng "Just The Way You Are," "Grenade," "That's What I Like," "When I Was Your Man," at ang bagong awiting "Die With A Smile" kasama si Lady Gaga.

Hindi naman nabigo sa pagpapabilib si Kent dahil triple tie sila ng mga katunggaling nanggaya kina Petite at Kathryn Bernardo.

Nagkakaisa naman ang mga netizen na kahit hindi raw gaanong kamukha ni Kent si Bruno Mars, kaboses na kaboses naman niya ito kaya kalokalike pa rin.

Tsika at Intriga

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

Wish pa ng netizens na sana raw, kung hindi papalarin si Kent sa Kalokalike ay sumali siya sa "Tawag ng Tanghalan," o kaya naman, madiscover siya at maka-duet balang araw si Bruno Mars.

Kung bibisitahin naman ang pages ni Kent ay talagang nagpapabilib na siya noon pa man dahil sa kaniyang mala-Bruno Mars na pag-awit. Sa katunayan ay nag-viral pa nga ang kuhang video sa kaniya habang kumakanta ng "It Will Rain" sa isang kainan sa Cebu. Kitang-kita sa video ang pagpalakpak ng mga kumakain, mapa-lokal o banyaga, at humirit pa ng "More!"

Sa kaniyang Facebook post naman ay nagpasalamat si Kent sa oportunidad at positibong komento sa kaniya ng netizens.

(2) Appreciation Post First of all,I... - Kent Randale S. Villarba | Facebook