November 24, 2024

Home BALITA National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/website

Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:53 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 384 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 207 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.