October 04, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Jackie Chan wapakels matapos mag-collapse sa shooting: ‘It’s not a big deal’

Jackie Chan wapakels matapos mag-collapse sa shooting: ‘It’s not a big deal’
Photo courtesy: Screenshots from starettoday (TikTok)

Siniguro ni award winning action star Jackie Chan na balewala umano sa kaniya ang dinanas sa isang shooting ng kaniyang pelikula kung saan tila nag-collapse umano ang aktor habang ginagawa ang isang stunt.

“It’s not a big deal. I need to assure everyone else that I’m fine; otherwise, they would want me to use a stunt double,” ani Chan sa panayam sa media.

Sa ulat ng Chinese media outlet, bahagya umanong nawalan ng malay si Chan habang sinasakal sa isang fight scene para sa kaniyang pelikulang “Panda Plan.” Agad din umanong binitawan si Chan ng kaniyang co-actor sa naturang eksena at mabilis din daw umalalay ang crew sa aktor.

Ayon pa sa mga ulat, tila nawala rin daw sa ulirat ang 70-anyos na aktor matapos ang insidente.

Pelikula

'JOY IS GONE!' Teaser ng 'Hello, Love, Again,' usap-usapan

“What are we doing?” tanong umano ni Chan sa ilang staff na umalalay sa kaniya.

Samantala, naituloy din umano ang shooting ng naturang pelikula matapos umanong igiit ni Chan na siya ay nasa maaayos na katayuan. Hindi rin umano pumayag ang aktor na magkaroon ng ka-double sa eksena.

“If I just sit there while they use a stunt double and they just film my close-ups after he’s done, I would feel very guilty!” saad ni Chan.

Kate Garcia