Hindi pa natatapos ang buhos ng biyaya para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos siyang gawing brand ambassador ng isang kilalang bangko.
Sa isinagawang media launch para sa kaniya ng EastWest Banking Corporation, nagpasalamat si Yulo sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng bank company para maging endorser nila.
Nagpapasalamat din si Yulo dahil guided daw siya sa finances niya, lalo't isa na siyang multi-millionaire sa dami ng mga incentive na natanggap niya mula sa pamahalaan, sports affiliations, at mga kompanya dahil sa kaniyang pagkapanalo.