October 04, 2024

Home SHOWBIZ

'It's hard!' Robi Domingo, gusto nang maging ama

'It's hard!' Robi Domingo, gusto nang maging ama
Photo Courtesy: Robi Domingo, Maiqui Pineda (IG)

Ibinahagi ni TV host Robi Domingo ang plano niya in the next five years kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang 35th birthday.

Sa latest Instgram post ni Robi kamakailan, matutunghayan sa isang video kung saan niya sinabing gusto na raw niyang maging ama.

“I’m having some birthday blues, some people say it’s time na nararamdaman mo nang ‘okay tumatanda ka na’ but also it’s a time na puwede kang mag-reflect sa buhay mo and that’s what am I gonna do right now,” saad ni Robi.

“My plan in the next five years is to be a better house-band and husband and hopefully next year when the Lord permits it and when her condition permits it—depende sa clearance ng doctor—I hope to introduce you to a baby Robi as well or baby Maiqui. Or why not twins? Him, her,” wika niya.

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

“Alam mo ‘yong may plano ka dati, especially I’m a man with a plan all the time, talagang nakaayos iyan. But last year, was really a blow and questioned me: ‘Ano ba ang nangyayari, ano bang mangyayari?’ Especially with Maiqui and then nakakasa na ako na by this year, actually by this month, sana mayroon na akong anak, ‘di ba? And it happened, it’s hard.” 

Matatandaang ibinahagi ng asawa ngayon ni Robi na si Maiqui Pineda ang dahilan ng pagkakaratay niya sa ospital sa pamamagitan ng Instagram post noong Agosto 2023.

MAKI-BALITA: Fiancée ni Robi Domingo may rare autoimmune disease