November 25, 2024

Home BALITA National

Cebu, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol

Cebu, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol ang probinsya ng Cebu nitong Linggo ng hapon, Setyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:53 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Poro, Cebu, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa San Fernando, CEBU.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.