October 11, 2024

Home SPORTS

Kai Sotto, Dwight Ramos, binanatan PBA; turn-off sa 4-point rule?

Kai Sotto, Dwight Ramos, binanatan PBA; turn-off sa 4-point rule?
Photo courtesy: International Basketball Federation (FIBA)

May hirit sina Japan B.League players at Gilas standouts Kai Sotto at Dwight Ramos tungkol sa kontrobersyal na 4-point rule ng Philippine Basketball Association (PBA).

Matatandaang ngayong season 49 ng PBA Governor’s Cup nang ipatupad ang nasabing 4-point rule na umani rin ng samu’t saring mga reaksiyon mula sa fans at iba pang basketball players. Idinagdag ito ng PBA sa kanilang panuntunan nang unang subukan noong All Star game ng liga.

KAUGNAY NA BALITA: PBA Vice-Chairman Alfrancis Chua, tumalak sa mga umaayaw sa 4-point shot

Sa panayam ng media kina Dwight at Kai, tahasan nilang sinabi ang kanilang opinyon sa pagpapatupad ng PBA ng 4-point rule.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“If I were the commissioner, I wouldn’t have a four-point line. I would just remove the three-point line and make the three-point line even farther,” saad ni Kai.

Ipinagkumpara rin niya ang PBA at National Basketball Association (NBA) tungkol sa pagtulong nilang lumago ang gameplay ng mga basketbolista.

“Like the NBA, they got a farther three-point line, so the spacing is better, and of course bigger. But no, I would not add the four-point line,” dagdag pa ni Sotto.

Samantala, pinuna naman ni Ramos ang umano’y butas sa paglalaro ng mga professional basketball players sa bansa, na mas pinalala pa umano ng 4-point rule.

“I know they put it in trying to remove teams from the playing zone, but, I mean, you don’t need to do that,” ani Ramos.

“If you want to break a zone, you just get a better zone offense. So I don’t really see the need for a four-point line.”

Tila naging “playing safe” naman ang naging palagay ni Gilas Center AJ Edu tungkol sa nasabing rule at iginiit din na nais pa umano niyang makita ang resulta ng implementasyon ng 4-point rule at sinabi ring hanga siya sa liga sa pagbibigay nito ng bagong pakulo.

“I think I appreciate the PBA for trying to do something new, trying to be innovative, and all I can say is I respect that they’re trying something new,” saad ni Edu.

Kate Garcia