September 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati in-unfollow ang isa't isa?

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati in-unfollow ang isa't isa?
Photo Courtesy: Sarah Lahbati, Kyline Alcantara (IG)

Tila palaisipan sa mga netizen kung nagkaroon ng lamat ang ugnayan ng dalawang aktres na sina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati.

Kumakalat kasi ngayon ang screenshots kung saan makikitang hindi na raw naka-follow sina Kyline at Sarah sa Instagram account ng isa’t isa.

Tiningnan ng Balita ang kanilang Instagram accounts at nakita namin na hindi nila pina-follow ang IG account ng isa’t isa.

Matatandaang may picture pa sila nang magkasama na ibinahagi nila pareho sa Instagram story noong Disyembre 2023. Nabahiran pa ito ng intriga dahil may “common denominator“ sina Kyline at Sarah. 

Tsika at Intriga

Enzo Almario nagsalita tungkol sa pagdawit sa GMA Network sa rape issue

Kapuwa sila natsika noon na hiwalay na sa kani-kanilang mga jowa kaya hula ng mga netizen ay patama sa mga ito ang caption na nakalagay sa kanilang picture.

MAKI-BALITA: Pa-quote nina Sarah, Kyline sa pic resbak sa mga jowa nila?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag sina Kyline at Sarah tungkol dito.