Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Ilocos Sur dakong 9:12 ng gabi nitong Biyernes, Setyembre 27.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 57 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Caoayan, Ilocos Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.