October 11, 2024

Home SPORTS

Throwback Thursday: Ang karera ni John Amores at mga isyung kinasangkutan niya sa hardcourt

Throwback Thursday: Ang karera ni John Amores at mga isyung kinasangkutan niya sa hardcourt
Photo courtesy: ABS-CBN News and NCAA (FB)

I-ban for life? Ilang netizens ang nangalampag na rin sa social media kasama ang caption na, “John Amores tumira ng tres, may kasama pang warrant of arrest!”

Nag-throwback Thursday ang netizens nang muling gumawa ng ingay si NorthPort Batang Pier John Amores ngayong Huwebes ng umaga, Setyembre 26, 2024, matapos ang kinasangkutan niyang shooting incident sa Lumban, Laguna.

Bagama’t nauna nang sumuko si Amores kasama ang nakababata niyang kapatid ngayong Huwebes din, tila hindi pa rin humuhupa ang inis ng netizens at nagkalapagan pa ng iba’t ibang isyung kinasangkutan ng nasabing basketbolista.

KAUGNAY NA BALITA: PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa katunayan, trending sa X si John Amores dahil sa panibagong isyung kinasangkutan.

Hindi naiwasan ng netizens na ungkatin ang mga isyung kinasangkutan ni Amores na may kinalaman pa rin umano sa paglalaro niya ng basketball. Katunayan, ilan sa mga ito ay nananawagan ng “i-ban for life time,” na raw si Amores katulad ng naunang hatol ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) matapos siyang sipain nito sa liga.

KAUGNAY NA BALITA: John Amores, pressured, emosyonal; rason sa panununtok dahil umano sa personal na problema

Ani ng netizens, ito na umano ang pinakamatinding ginawa ni Amores dahil sa basketball matapos ang tatlong beses pag-aamok nito sa loob lamang ng isang taon, noong manlalaro pa lamang siya sa Jose Rizal University.

MAKI-BALITA: John Amores, tinanggal na sa JRU basketball team

“John Amores is proof that violent men should never be given second chances. Kahit saang aspeto pa ‘yan. They just get more complacent and think they can do whatever they want.”

“In any case, idk how he’ll even get another chance at this point.”

“Legit na shooting guard nga talaga si Amores!”

“Aantayin pa ba na makapatay itong si John Amores?”

“Him getting out of those trouble is why he thinks he’s untouchable”

“Sana talaga masampolan na ‘yan. Walang kadala-dala, collegiate hanggang ngayong nasa professional level na, di nagbago.

“Weird na never siya nakulong noon. I’m all for rehab and second chances, but that man has no hope I think,”

MAKI-BALITA: Basketball, mistulang nauwi sa 'boksing' dahil kay John Amores

SINO NGA BA SI JOHN AMORES?

Matatandaang naunang nasangkot si Amores sa isang pisikal na away noong 2022 sa laban ng kaniyang koponang Jose Rizal University kontra University of the Philippines, kung saan nagtamo ng gum fracture, teeth dislocation at mouth laceration si UP basketball player Mark Belmonte matapos sapukin ni Amores sa kasagsagan ng kanilang laban.

Nasundan din ito ng muntikan nang girian ni Amores kay Letran Knights player Kobe Monje noong 2022, na agad namang naagapan ng mga opisyal ng liga.

Taong 2022 din nang tuluyang matuldukan ang karera ni Amores sa NCAA matapos niyang paulanan ng suntok ang ilang manlalaro ng De La Salle College of St. Benilde kung saan hindi siya nagpaawat nang sugurin niyang mag-isa ang bench ng Blazers. Apat na manlalaro ng Benilde ang naiulat na nasaktan ng nag-aamok na si Amores noong Nobyembre 8, 2022.

MAKI-BALITA: John Amores, sinapak ng indefinite suspension ng NCAA, JRU

Samantala, kasalukuyang nakatakdang sumailalim si Amores sa paraffin test sa Laguna Provincial Police Office matapos ang kaniyang inquest proceedings kasama ang kapatid sa Regional Trial Court (RTC) Sta. Cruz, Laguna, ngayong araw, Setyembre 26, 2024.

Kate Garcia