Napili ang documentary film na “And So It Begins” bilang official entry ng Pilipinas sa 97th Academy Awards, kilala rin bilang Oscars, sa ilalim ng “Best International Feature” category.
Inanunsyo ito ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Miyerkules, Setyembre 25.
Makikita sa naturang post ang ilang mga larawan ng direktor na si Ramona Diaz na tumanggap ng sertipiko para sa pagproklama sa documentary film bilang opisyal na entry ng bansa sa Oscars.
Gaganapin daw ang 97th Academy Awards sa Marso 2, 2025, US time, sa Los Angeles.
Matatandaan namang unang inilabas sa Philippine theaters ang “And So It Begins” noong buwan ng Agosto.
Nakasentro ito sa naging presidential campaign ni dating Vice President Leni Robredo noong 2022 national elections, at maging ang kuwento ni Rappler CEO at Nobel Peace Prize laureate Maria Ressa sa paglaban para sa malayang pamamahayag.
BASAHIN: Robredo, idinetalye documentary film nilang 'And So It Begins'