September 25, 2024

Home SHOWBIZ

Panayam nina Chloe at Caloy sa Toni Talks, nagkaroon ng technical issues

Panayam nina Chloe at Caloy sa Toni Talks, nagkaroon ng technical issues
Photo Courtesy: Toni Talks (FB)

Nagbigay ng pahayag ang Toni Talks kaugnay sa video ng panayam kay two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos “Caloy” Yulo at sa jowa nitong si Chole San Jose.

Sa Facebook post ng Toni Talks nitong Martes, Setyembre 25, sinabi nilang nagkaroon umano ng technical issues ang nasabing video.

“We've encountered some technical issues, but we are working to resolve them,” saad ng Toni Talks.

“We know how much you've been looking forward to this conversation and truly appreciate your patience and understanding as our team addresses the matter,” anila.

Jennylyn Mercado, pinasalamatan ng tunay na ina ng kaniyang stepson

Sa huli, nagpasalamat ang Toni Talks sa patuloy na suporta ng mga tao.

Matatandaang nawala bigla ang nasabing panayam nina Caloy at Chloe sa YouTube. Pero sa kasalukuyan ay maaari na ulit itong panoorin dahil na-reupload na.

MAKI-BALITA: Caloy, nag-i love you agad kay Chloe kahit 10 days pa lang magka-talking stage

MAKI-BALITA: Jowa ni Carlos Yulo, unang 'nagda-moves' sa kaniya

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, ready na bang maging tatay?