September 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

FranSeth, 'di makapaniwalang may pelikula na

FranSeth, 'di makapaniwalang may pelikula na
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates, Regal Entertainment (YT)

Naghayag ng saloobin ang magka-love team na sina Kapamilya artists Francine Diaz at Seth Fedelin para sa kauna-unahan nilang pelikula na “My Future You.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Setyembre 23, matutunghayan ang tampok na panayam kina Francine at Seth.

“Syempre, excited po kami [sa movie] pero kinakabahan din po kami,” saad ni Francine.

Sabi naman ni Seth: “‘Di kami makapaniwala na darating sa amin ‘to. Nagsimula kami ang liliit pa namin.”

Pelikula

'JOY IS GONE!' Teaser ng 'Hello, Love, Again,' usap-usapan

“Kumbaga pangarap namin ‘tong lahat, e. Pangarap ni Francine, pangarap ko rin. And then sabay naming ginawa ‘yong pangarap sa isang pelikula,” wika niya.

Dagdag pa ng aktor: “Excited kaming mapanood ng mga nagmamahal sa amin. And hindi mawawala ‘yong kaba.”

Pero sa kasalukuyan, hindi muna nagbigay ng kahit anomang detalye sina Seth at Francine tungkol sa kanilang pelikula para hindi ma-spoil ang mga manonood.

“Syempre it’s our first movie. Gusto namin sila ‘yong makakaalam o makakakita,” ani Francine.

Matatandaang inilabas na ng Regal Entertainment ang official teaser ng “My Future You” noon pang Setyembre 21.