November 25, 2024

Home BALITA National

4.5-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental

4.5-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa Davao Oriental nitong Martes ng madaling araw, Setyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:39 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 85 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.