October 05, 2024

Home SPORTS

EJ Obiena, ibinida ang girlfriend na sumali sa coastal cleanup

EJ Obiena, ibinida ang girlfriend na sumali sa coastal cleanup
Photo courtesy: EJ Obiena (Instagram story)

Proud na ibinida ni World’s No. 3 Pole Vaulter EJ Obiena ang pagsali ng girlfriend na si Caroline Joyeux sa isinagawang coastal clean-up ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Pasay City noong Sabado, Setyembre 21, 2024.

Sa isang Instagram story, ibinahagi ni EJ ang ilang larawan ni Caroline agad naman pinusuan ng netizens. “She is nice to the environment more than to me,” saad ni EJ. 

Sa sumunod caption, sinabi rin ni EJ na proud umano siya para kay Caroline na tinawag niya ring “munchkin.”

“In all seriousness, I’m proud of this munchkin.”

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

KAUGNAY NA BALITA: Jowa ni EJ Obiena sumama sa cleanup drive sa Pasay; ikinumpara kay Chloe

Ang nasabing coastal cleanup drive ay parte ng programa ng DENR para sa International Coastal Cleanup (ICC) na naglalayong linisin ang iba’t ibang coastal areas sa buong bansa.

Sa opisyal na tala ng ahensya, nahigitan umano ng bilang nga volunteers ngayong taon ang mga dumalo noong 2023, kung saan mula sa 35,000 ay umabot umano sa 74,075 ang tumulong sa nasabing proyekto. 

Kate Garcia