“Enjoy the week, lovebirds!”
Masayang ibinahagi ni World’s No. 3 Pole Vaulter EJ Obiena na inimbitahan siya kasama ang kaniyang girlfriend na si Caroline Joyeux sa Paris Fashion Week.
Sa kaniyang Instagram story nitong Linggo, Setyembre 22, nagbahagi si EJ ng sweet photo larawan nilang ni Caroline kasabay ng pag-share niya ng balita tungkol sa Fashion Week.
“Paris Fashion Week, We are coming!!!” aniya sa kaniyang IG story.
Sa sumunod na update ng pole vaulter sa kaniyang socmed accounts, muling nagbahagi si EJ ng larawan nila ng kaniyang girlfriend na may caption na: “First day in Paris.”
Gaganapin daw ang Paris Fashion Week simula Setyembre 23, 2024 hanggang Oktubre 1, 2024.
Pagdating naman sa kanilang relationship, apat na taon na raw magkasintahan sina EJ at Caroline simula nang magtagpo ang landas nila sa training camp sa Italy noong 2020.
Kaugnay nito, ibinahagi kamakailan ni Caroline kung pinakanagustuhan niyang personality ni EJ bilang isang boyfriend.
BASAHIN: Buking ng jowang si Caroline: EJ Obiena, may 'two different sides'