November 25, 2024

Home BALITA National

Easterlies, nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies, nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/website

Kasunod ng paghina ng southwest monsoon o habagat, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang easterlies ang nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, Setyembre 23.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang localized thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).