September 23, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, nailipat na sa Pasig City Jail

Alice Guo, nailipat na sa Pasig City Jail
Alice Guo (file photo)

Mula Philippine National Police (PNP) custodial center sa Camp Crame, nailipat na si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail nitong Lunes ng umaga, Setyembre 23.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sakay si Guo ng isang coaster bus kasama ang iba pang mga sasakyan na bahagi ng convoy nito patungong Pasig City Jail Female Dormitory.

Matatandaang kamakailan lamang nang ipag-utos ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na ilipat si Guo mula sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory kaugnay umano ng kinahaharap nitong kaso ng qualified human trafficking.

MAKI-BALITA: Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

National

'May suspected lung infection?' PNP, ibinahagi X-ray result ni Alice Guo

Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Supt. Jayrex Bustinera na hindi nila bibigyan ng “special treatment” si Guo, at ihahalo umano siya sa mahigit 40 inmates sa selda.