December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Billy Crawford, humingi ng tawad sa pumanaw na ama

Billy Crawford, humingi ng tawad sa pumanaw na ama
Photo Courtesy: Billy Crawford (IG)

Nagluluksa ngayon ang “The Voice Kids” coach na si Billy Crawford dahil sa pagpanaw ng ama niyang si Jack Crawford.

Sa latest Instagram post ni Billy nitong Linggo, Setyembre 22, humingi siya ng tawad sa kaniyang ama dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon magpaalam.

"I'm sorry, Dad. I wasn't there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You'll always be in my heart," saad ni Billy.

Dagdag pa niya: "Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ. I'll truly miss you, my main man! Love, your son.” 

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan at kaibigan ni Billy sa industriya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Jessy Mendiola: "Our deepest condolences to you and your family, Billy. "

Gloc 9: "Nakikiramay Kami Brother.."

Erik Santos: "So sorry bro. "

EA  Guzman: "Condolence Kuys "

Alex Gonzaga: "My condolences, bro. Praying for you and your family"

Sam Concepcion: "My condolences, bro. Praying for you and your family"

Zack Tabudlo: "sending my deepest condolences kuya billy. love you "

Ryan Bang: "Our deepest condolences to you and your family kuya Billy. Praying for you and family "

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa dahilan ng pagpanaw ng ama ni Billy.