September 21, 2024

Home BALITA National

VP Sara, nakipag-meet and greet sa 'Inday Sara Supremacy'

VP Sara, nakipag-meet and greet sa 'Inday Sara Supremacy'
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Masayang ibinahagi ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Setyembre 21, ang kaniyang pag-meet and greet sa kaniya raw mga kaibigan sa “Inday Sara Supremacy.”

Sa kaniyang Facebook post, nagbahagi si Duterte ng ilang mga larawan ng pakikipanayam daw niya sa grupo noong nakaraang buwan sa Davao City.

“Masaya ako na nakasama ang ating mga kaibigan sa Inday Sara Supremacy noong nakaraang buwan sa Davao City,” ani Duterte sa kaniyang post.

“Ang kanilang suporta sa atin mula pa noong kampanya ay hindi matatawaran. Ang hanay nila ay nagmula sa iba’t ibang sektor at lugar sa Pilipinas,” dagdag niya.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Inihayag din ng bise presidente ang kaniyang pasasalamat sa patuloy raw na suporta ng “Inday Sara Supremacy” sa gitna ng kaniyang pagsisilbi sa Office of the Vice President (OVP).

“Sa ating paninilbihan sa Office of the Vice President ay dama ko ang inyong patuloy na pagsuporta at pagtaguyod sa ating mga adhikain sa ating tanggapan,” saad ni Duterte.

“Muli, maraming salamat sa kwentuhan, tawanan at pagmamahal. Mahal ko kayo!” dagdag pa niya.