September 21, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Angelica Yulo nagbabala tungkol sa mga impostor niya; nagmo-move forward na

Angelica Yulo nagbabala tungkol sa mga impostor niya; nagmo-move forward na
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nagbabala ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa posts na gumagamit umano sa kaniyang pangalan at larawan.

Sa kaniyang official Facebook account, sinabi ni Angelica na maging vigilant ang publiko sa mga nagpapanggap na siya.

Be vigilant !!!! May mga naglalabasang mga... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

"Be vigilant !!!! May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa. Inuulit ko po Iisa lang po ang facebook acct ko wala nang iba pa.. aside from my live selling wala na po akong ibang post, we're trying to move forward po. God bless sa mga naninira po sa akin," aniya.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, mas hot daw kaysa kay Xyriel Manabat