September 20, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, pina-cite in contempt ng House quad-committee

Alice Guo, pina-cite in contempt ng House quad-committee
Photo: Mark Balmores | MB

Ipina-cite in contempt ng ng quad-committee ng Kamara si dating mayor Alice Guo dahil umano sa pagsisinungaling at pag-iwas sa tanong ng mga kongresista.

Ginawa ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang mosyon na inaprubahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers matapos walang tumutol dito.

Ide-detain daw si Guo hanggang sa matapos ang pagdinig ng komite.

Nitong Huwebes, Setyembre 19, nang simulan ng House quad-committee ang imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) controversy kung saan dumalo si Guo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nahaharap si Guo sa ilang mga kaso tulad ng pagkasangkot umano niya sa iligal na POGO sa Bamban.