October 11, 2024

Home SPORTS

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Binasag na ni Akari Sports Director Russell Balbacal ang usap-usapang sasaluhin nila ang franchise ng Terrafirma sa Philippine Basketball Association (PBA).

Sa isang panayam sa isang radio show, nilinaw ni Balbacal na wala pa sa plano ng Akari Sports na pasukin ang PBA bagama’t kinumpirma rin niya na may ilang PBA officials na ang nakikipag-ugnayan sa kanila tungkol dito.

“Not at the moment, as of this time, wala pa sa plano. Basta hindi totoo ‘yung balita, na we’re in talks with Terrafirma or any other teams,” saad ni Balbacal.

Nilinaw din niya ang mga umuugong na balita tungkol sa paglapit sa kaniya ng ilang opisyal sa liga.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“Somebody from the PBA approached us; nagbobroker lang sila pero walang commitment; basta as of this time, wala kaming interes.”

Iginiit pa ni Balbacal, nakatuon umano ang programa ng Akari Sports sa pagpapatibay pa ng kampanya ng NxLed Chameleons at Akari Power Chargers sa Premier Volleyball League (PVL). Matatandaang nakamit nila ang kauna-unahang silver medal sa kanilang franchise history matapos makatungtong ng Akari sa finals kontra Creamline sa Reinforced Conference ng PVL.

Dagdag pa ni Balbacal nakasentro rin ang kanilang kompanya sa nauna ng plano para sa pagpapatayo ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Arena.

“Saka siyempre, mayroon kaming bini-build na arena, di ba? So medyo busy na rin,” dagdag pa ni Balbacal.

Kasalukuyan ding main sponsor ang Akari ng sports program ng Adamson University kabilang ang high school women’s volleyball team, collegiate women’s volleyball team at men’s basketball team.

Kate Garcia