October 04, 2024

Home BALITA

VP Sara sa running mate na Marcos kung sakaling tatakbo: 'Never again!'

VP Sara sa running mate na Marcos kung sakaling tatakbo: 'Never again!'
Photo courtesy: via Balita/Screenshot from ABS-CBN News (X)

Tahasan at diretsahang sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi na siya papayag na magkaroon ng running mate na "Marcos" kung sakaling magdesisyon siyang kumandidato sa pagkapangulo sa 2028.

Iyan ang nasabi ng pangalawang pangulo sa ambush interview ng media sa kaniya, matapos ang pagdalo sa congress hearing nitong araw ng Miyerkules, Setyembre 18.

Isang media reporter kasi ang nagtanong kung may balak pa siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2028. Sagot ng pangalawang pangulo, ibibigay niya ang sagot sa fourth quarter ng 2026.

Nang matanong naman kung papayag ba siyang magkaroon ng running mate na isang Marcos ulit, "Never again" ang sagot niya.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

"Pero Ma'am never again na po kayo to team with a Marcos in the future?"

"Never again," umiiling na sagot ni VP Sara.

"Why Ma'am?" untag naman ng isa pang male reporter.

Tila nag-alinlangan pang sumagot ang pangalawang pangulo, "Sit down tayo..."

Matatandaang running mates ng "UniTeam" sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at VP Sara noong 2022 elections at pareho silang nagwagi.

Subalit sa mga nagdaang buwan ay tila "nagkawatak" na sila dahil sa ilang mga isyu, at ang pinakahuli nga ay pagbibitiw ni VP sara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) noong Hulyo.