December 23, 2024

Home SHOWBIZ

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Nagbigay na ng pahayag ang actor-singer na si James Reid kaugnay sa pag-exit ng alaga niyang si Liza Soberano sa pinangangasiwaan niyang Careless.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Martes, Setyembre 17, nilinaw ni James na si Liza raw ang nagdesisyon na umalis sa management niya.

“She’s no longer with Careless. It’s her decision to leave, actually. It’s with our agreement with Liza, we have a clause, you know, it’s termination for convenience so she can leave any time,” saad ni James.

“I think, mas focus siya sa career niya sa L.A. [Los Angeles] and kami mas focus sa Philippines, you know, with my music career. I’m going back to acting.  So we had different career paths, I think,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “She has her own co-management sa L.A. Transparent Arts. So she’s really focused there so it didn’t really make sense for us.”

Nang tanungin naman si James kung magkagalit sila ni Liza ngayong wala na ito sa kaniyang management, sinabi lang ni James na hindi raw siya angry person.

“We wish her all the best,” aniya.

Matatandaang nauna nang naglabas ng pahayag ang Careless kamakailan para kumpirmahin ang mga lumulutang na haka kaugnay sa pag-alis rito ni Liza.

MAKI-BALITA: Liza Soberano kumpirmadong wala na sa Careless, anyare?