September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser
Photo courtesy: Screenshot from Luis Listens (YouTube)

Sinabi ng kontrobersiyal na personalidad na si Chloe San Jose na mas pinipili niyang maging totoo sa sarili kaysa i-please ang mga tao sa kaniyang paligid.

Sa panayam sa kaniya ni Kapamilya TV host Luis Manzano sa vlog nitong "Luis Listens," sinabi ni Chloe na mas gusto niyang maging "authentic" sa kaniyang sarili kaysa maging people pleaser, kahit marami nang nasasabing mga hindi magagandang bagay ang mga netizen patungkol sa kaniya.

"Madaming nag-aano, nagsasabi ng stuff online, ganiyan-ganiyan... 'You're like this, You're like that...'"

"Do I stay authentic or do I please the people na nagsasabi ng ano [masama], so ang hirap din po pala but yeah, of course, I stayed true to myself and stayed authentic because that's who I am..." aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Chloe ay partner ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, na sinasabing isa sa mga dahilan daw kung bakit nagkaroon ng girian sa pagitan ni Caloy at ng kaniyang pamilya, partikular sa kaniyang inang si Angelica Yulo.

Samantala, sa isang eksklusibong panayam sa Balita ay nagsalita na rin ang biological mother ni Chloe na si Maria Fe "Marie" San Jose patungkol sa tunay na relasyon nila ng sariling anak, sa pamamagitan naman ng kaniyang abogado.

MAKI-BALITA: Biological mom ni Chloe San Jose nagsalita na; relasyon sa anak, 'di rin maganda?