September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, BINI Maloi hindi nagkakalayo ng ganda

Vice Ganda, BINI Maloi hindi nagkakalayo ng ganda
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB)

Nagbigay ng reakisyon ang isa mga miyembro ng Nation’s girl group na BINI na si Maloi Ricalde sa isang post ni Unkabogable Star Vice Ganda.

Sa Facebook post kasi ni Vice Ganda nitong Lunes, Setyembre 16, makikita ang side by side picture nila ni Maloi kung saan pareho ang kanilang outfit.

“Ang mag-ina na hindi nagkakalayo ng ganda!!!!” saad ng Unkabogable Star sa caption ng post.

Komento naman ni Maloi: “MEME-LOI super cute pooo!”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga hanash:

"Twinning. We Love you Meme and Maloi.. "

"little red riding in tandem"

"Love this duo interaction "

"Pinagbiyak na bunga yung red scarf"

"my queen's, in one frame"

"Vice Ganda x Maloi collab pls""Dapat ibalik po GGV tapos guest ang Bini. For sure riot lalo't close sina Meme at Maloi "

"Wag nyo lokohin sarili nyo"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 77k reactions, 721 comments, at 1.7k shares ang side by side picture nina Vice Ganda at Maloi.