September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos
Photo courtesy: via Balita

Naniniwala umano ang ama ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo na darating ang panahong magbabalik sa kanila ang panganay na anak.

Nasabi ito nang live ni Andrew nang ipinagtanggol ni Karl Eldrew Yulo, isa sa mga anak nila ni Angelica Yulo, ang kaniyang kuyang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos sabihan siyang huwag gagayahin ang kapatid.

Sa isinagawang Live ni Karl kasama siya at mapapanood sa kaniyang TikTok, pinagsabihan si Karl ng isang netizen na huwag niyang gagayahin ang Kuya Caloy niya, matapos pag-usapan ang kontrobersiya sa pagitan nito at ng nanay nilang si Angelica Yulo.

Pero depensa ni Eldrew, mabait naman daw ang kaniyang Kuya Caloy, bagay na sinegundahan naman ng kanilang tatay.

Tsika at Intriga

Mura pinabayaan na raw ng mga kaanak; 'di na maigalaw ang katawan

"Karl 'wag gayahin kuya mo ah...' mabait naman po si Kuya [Carlos Yulo], 'wag po kayo mag-alala, mabait naman po si Kuya..." saad ni Karl.

Sabat naman ni Andrew, "Mabait naman 'yan si Caloy... mabait 'yang si Caloy, nararamdaman ko, mag-aano 'yan, babalik 'yan..."

Matatandaang pinag-usapan din ng mga netizen ang tila pagpaparinig ni Mark Andrew sa kaniyang anak sa pamamagitan ng shared posts.

MAKI-BALITA: Eldrew Yulo sinabihang 'wag gayahin kuyang si Carlos; tatay, sumabat