December 23, 2024

Home BALITA National

Isko Moreno, nalungkot nang malaman kalagayan ni Doc Willie Ong

Isko Moreno, nalungkot nang malaman kalagayan ni Doc Willie Ong
photo courtesy: Isko Moreno Domagoso, Doc Willie Ong/FB

Lubos daw na nalungkot si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nang malaman niya ang kalagayan ni Doc Willie Ong. 

Matatandaang noong Setyembre 14 nang isiniwalat ni Ong na mayroon siyang Sarcoma cancer at kasalukuyang sumasailalim sa treatment para sa naturang sakit.

BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 16, nalungkot daw siya nang malaman ang sitwasyon ni Doc Willie.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Noong nakaraang biyernes nakausap ko po si Doc Willie Ong at ang kanyang maybahay na si Dra. Liza Ong at ipinaalam nila sa akin ang kalagayan ng kalusugan ng ating kaibigan at minamahal na doktor ng bayan," saad ni Domagoso.

"Lubos akong nalungkot noong nalaman ko ang kanyang sitwasyon and at the same time hoping for his quick recovery," aniya pa.

Ibinahagi rin ng dating Manila mayor ang pag-encourage niya kay Ong na maging matatag lamang sa pagsubok na pinagdaraanan nito.

"Sabi ko kay Doc Willie, maraming nagmamahal sa kaniya at umaasa sa mga libreng gabay at payo niya sa kalusugan na mga kababayan nating Pilipino. Tatagan niya lang ang kaniyang kalooban at may awa ang Diyos na malalagpasan din niya ang pagsubok na kinakaharap niya," ani Domagoso.

Sa huling bahagi ng post, humiling siya sa publiko na ipanalangin si Ong para sa "pagganda ng kalusugan at mabilis na paggaling" nito.

Matatandaang magkatiket sina Domagoso at Ong nang tumakbo sila noong Eleksyon 2022 bilang presidente at bise presidente.

Samantala, sa tingin ni Doc Willie, nakuha niya umano ang Sarcoma cancer dahil sa stress.

BASAHIN: Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers