January 15, 2025

Home BALITA National

Bagyong Gener, napanatili ang lakas; malapit na sa WPS

Bagyong Gener, napanatili ang lakas; malapit na sa WPS
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Tropical Depression Gener ang lakas nito at habang kumikilos papalapit sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 17.

Sa tala ng PAGASA dakong 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Gener sa vicinity ng Kibungan, Benguet.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

OVP, inanunsyong wala silang budget sa kanilang medical at baurial assistance program

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Kalinga

Abra

Ifugao

Mountain Province

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Zambales

Tarlac

Nueva Ecija

Pampanga

Ayon sa PAGASA, inaasahang makararating na ang bagyong Gener sa WPS ngayong Martes, at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaga, Miyerkules, Setyembre 18.