September 19, 2024

Home BALITA National

'Ano ginawa n'yo?' Doc Willie Ong, sumama ang loob sa bashers

'Ano ginawa n'yo?' Doc Willie Ong, sumama ang loob sa bashers
photo courtesy: Doc Willie Ong/FB screenshot

Sa isang panibagong update, sinabi ni Doc Willie Ong na sumama nang sobra ang loob niya sa mga taong nambash sa kaniya noon kahit wala naman daw siyang niloko at inaway.

Nitong Lunes, Setyembre 16, naglabas si Doc Willie ng bagong update tungkol sa sitwasyon niya gayong mayroon siyang Sarcoma cancer.

Bahagi ng naturang update ang tungkol sa pagmamahal niya sa mga Pilipino.

"My relatives do not want me to make this video. But I said, I owe it to the Filipino people to be honest to them. Mahal na mahal ko kayo pong lahat. Hindi n'yo naiintindihan kung gaano ko po kayo kamahal," saad ni Doc Willie.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sinabi rin niya na 'yung mga ginawa niyang pagtakbo bilang senador at bise presidente ay hindi raw para sa kaniya kundi para sa bawat Pilipino. Gayunman, nabanggit niya na sumama raw ang loob niya sa mga nambash sa kaniya.

"Bawat takbo ko para po sa inyo. Hindi para sa akin. Unang campaign ko wala akong gastos. Pangalawa, wala akong gastos. Wala akong niloko, wala akong inaway.

"Ano ginawa n'yo? Binash n'yo ako nang binash. Sumama sobra ang loob ko," paglalahad ni Ong.

"If I live. I will live for you. I will live for every Juan Dela Cruz," dagdag pa niya. 

Matatandaang 2018 nang tumakbong senador si Ong at bilang bise presidente naman noong 2022 sa ilalim ng tiket ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. 

KAUGNAY NA BALITA: Isko Moreno, nalungkot nang malaman kalagayan ni Doc Willie Ong