October 05, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF
Photo courtesy: Film Development Council of the Philippines (FB) at Metro Manila Film Festival (FB)

Inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang bagsak presyong ticket tampok ang ilang award-winning na pelikulang Pilipino para sa Sine Singkwenta na may temang “Sine Singkwenta: Pelikula ng Bayan.”

Sa kanilang Facebook Page naunang ilabas ng ahensya ang official line-up ng mga pelikulang maaaring mapanood sa sa piling commercial cinemas. Kasama sa limang pelikulang maaaring mapanood ay ang Little Azkals, Iskalawags, Cleaners, Huwebes Huwebes at Tu Pug Imatuy na tatakbo mula Setyembre 18-24, 2024. 

Maaaring mapanood ang nasabing mga pelikula sa SM Southmall, Robinsons Galleria at Ayala Malls Market Market.Samantala, katuwang ang Metro Manila Film Festival (MMFF), naglunsad din ito ng bukod na screening ng ilang pelikulang pinalahan sa MMFF festival noong mga nakaraang taon. 

Mapapanood din ang MMFF entries noon sa halagang ₱50 na ipapalabas sa lahat ng sinehan sa buong bansa mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15, 2024.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

https://www.facebook.com/share/p/DSTcWgEguxnmr9wV/

Matatandaang nauna nang ikansela ng MMFF ang dapat sana’y summer film festival nito noong Abril 2024 upang paghandaan ang ika-50 taon anibersaryo ng pistang pelikulang Pilipino sa ilalim ng pangangasiwa nito. 

Ang lungsod ng Maynila ang magsisilbing host para sa darating na MMFF 2024 kung saan kinumpirma na na rin ang pagbabago sa bilang ng line-up ng mga kalahok. Mula sa 8 noong taon, nakatakdang maging 10 ang mga pelikulang isasalang sa naturang film festival.

Kate Garcia