September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?
Photo Courtesy: Gerald Anderson (IG)

Mapagbigyan na kaya ni Kapamilya actor Gerald Anderson ang mommy niyang si Evangeline na humihingi na ng apo sa kanila ng jowa niyang si Julia Barretto?

Kasalukuyang lumulutang sa TikTok ang video clip ng isang netizen na kuha mula sa 66th birthday celebration ng ina ni Gerald sa General Santos City.

Sa naturang video, matutunghayan ang birthday message ni Gerald sa pinakamamahal niyang ina.

Ani Gerald: "Happy Birthday. We wish you the best, Ma. Thank you sa all the years na pag-aalaga sa amin. Salamat dahil inalagaan mo kami.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"Alam namin na ibibigay mo ang lahat para sa amin at ibibigay din namin ang lahat para sa ‘yo. Pero ‘pag hindi namin kaya, huwag ka na magtampo,” dugtong pa ni Gerald.

Sagot naman ni Evangeline sa anak: “Hindi naman nanghihingi si Mama na hindi n’yo kaya, e. I'm having a little bit... so I'm asking you, give me a—”

Hindi na nagawa pang tapusin ni Evangeline ang sasabihin kay Gerald dahil nauna na ang kanilang malakas na tawanan.

Pero malapit na rin naman daw si Gerald na lumagay sa tahimik pag-amin niya sa isang panayam. 

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, handa nang pakasal: 'I'm closer to that'

Matatandaang lumutang noong Agosto ang tsikang nagpakasal na raw sila ni Julia sa ibang bansa. Pero pinabulaanan ito ng aktor dahil hindi naman daw niya itatago ang gano’ng bagay.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, walang balak itago kasal nila ni Julia Barretto