Handa na nga ba talagang lumagay sa tahimik ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kasama ang jowa niyang si Julia Barretto?

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Hunyo 6, inusisa niya si Gerald tungkol sa pagpapakasal.

“Are you ready for marriage?” tanong ni Karen.

“Yeah, of course. I’m closer to that kasi kung 5, 3 years ago, tanungin n’yo sa ’kin ’yan, ’Hindi, hindi,’” tugon ni Gerald. 

Relasyon at Hiwalayan

Rico pinost intro ng 'Kisapmata' matapos ang pagbubunyag ni Maris sa break-up

“But syempre, that’s why I’m doing all of this kasi gusto ko maalagaan ’yong mga anak ko na wala silang iisipin. But ’di sila pwedeng maging spoiled kasi hindi madali ang buhay," wika niya.

 Dagdag pa ng aktor: "So ’yon, everything I do in life is leading up to you know, ’yong aspeto na ’yon.” 

Samantala, kung babalikan naman ang sagot ni Julia sa isang panayam noong 2022 hinggil sa posibilidad na alukin siya ni Gerald ng kasal, handa rin daw siyang pumayag at iwanan ang showbiz para sa nobyo.

MAKI-BALITA: Julia, handang pakasal at talikuran ang showbiz para kay Gerald