January 15, 2025

Home BALITA National

Masbate, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Masbate, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Masbate dakong 11:29 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng San Jacinto, Masbate, na may lalim na 26 kilometro.

Itinaas ang Intensity IV sa City of Masbate.

National

'For the first time in 20 years!' BIR, nakakolekta ng ₱2.8T sa taong 2024

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.