October 11, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, muling haharap sa Senado sa Martes

Alice Guo, muling haharap sa Senado sa Martes
Alice Guo (Photo: Senate/YouTube screengrab)

Inaasahang muling haharap sa Senado si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo bukas ng Martes, Setyembre 17, matapos pagbigyan ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan ni Senador Risa Hontiveros na padaluhin siya sa pagdinig.

Ibinahagi ng opisina ni Hontiveros, chairperson ng Senate, Committee On Women, Children, Family Relations And Gender Equality, ang naturang desisyon ng Valenzuela RTC Branch 282 nitong Lunes, Setyembre 16.

Nakasaad din sa naturang desisyon ng korte na inaatasan ang pulisya na magsagawa ng strict security protocol at dalhin si Guo sa Senado.

Magsisimula raw ang Senate hearing bukas, dakong 9:00 ng umaga.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang noong Setyembre 4 nang maaresto ng mga awtoridad ng Indonesia si Guo at naibalik ng bansa noong Setyembre 6.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Kasalukuyan siyang naka-detain sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Idinadawit si Guo sa ilang mga kaso tulad ng pagkasangkot umano niya sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.

Kaugnay nito, noong Setyembre 13, 2024 nang irekomenda ng Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kasong qualified human trafficking ang pinatalsik na alkalde.

MAKI-BALITA: Alice Guo, pinakakasuhan na ng DOJ ng 'qualified human trafficking'