October 09, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, pinakakasuhan na ng DOJ ng 'qualified human trafficking'

Alice Guo, pinakakasuhan na ng DOJ ng 'qualified human trafficking'
Alice Guo (file photo)

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kasong qualified human trafficking si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Sa ulat ng GMA News, pinakakasuhan din umano ng DOJ ang Chinese business partners ni Guo na sina Huang Zhiyang, Zhang Ruijin, Lin Baoying. Kasama rin daw sa pagkaso si dating TLRC official Dennis Cunanan.

Matatandaang noong Setyembre 4 nang maaresto ng mga awtoridad ng Indonesia si Guo at naibalik ng bansa noong Setyembre 6.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Idinadawit ang pinatalsik na alkalde sa ilang mga kaso tulad ng pagkasangkot umano niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.

Nito lamang namang Biyernes nang i-transfer si Guo mula sa korte ng Capas, Tarlac patungo sa korte ng Valenzuela City.