Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Linggo ng madaling araw, Setyembre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:40 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 153 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental, na may lalim na 1 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.