September 19, 2024

Home BALITA National

Quiboloy ikinumpara kay Hesukristo, inulan ng reaksiyon

Quiboloy ikinumpara kay Hesukristo, inulan ng reaksiyon
Photo courtesy: via Balita/Freepik

Kumakalat ang ilang posts na nagkukumpara kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy kay Jesus Christ dahil daw sa pagiging akusado ng una sa mga patong-patong na kaso.

Saad ng ilang netizens, bilang "appointed Son of God" ay tila nangyayari din kay Quiboloy ang mga dinanas ni Hesukristo noon, kaya nahatulan siyang ipako sa krus.

Ngunit sabi naman ng ilang mga netizen, magkaibang-magkaiba ang mga nangyari dahil iba ang mga kaso ni Quiboloy kumpara sa mga paratang noon kay Hesukristo.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa rape, human trafficking, at child abuse. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa nga sa mga pumalag sa ideyang ito ang manunulat na si Jerry Gracio.

"Parang nauulit daw 'yung nangyari kay Jesus sa nangyayari kay Quiboloy. Mga bagra! Si Jesus, hindi inakusahang nang-rape! Idilat nga ninyo ang mga mata n'yo, mga delulu! Pero kung gusto n'yo talagang ulitin kay Quiboloy' 'yung nangyari kay Kristo, pahampas ninyo ang pastor n'yo sa haliging bato at ipako sa krus. Tingnan natin kung mabubuhay siyang muli," saad ni Gracio sa kaniyang Facebook post. 

TINGNAN: Jerry B. Grácio - Parang nauulit daw 'yung nangyari kay Jesus sa... | Facebook

"Dahil naniniwala ako na si Jesus ay anak ng Diyos at Diyos, kinikilabutan ako na inihahalintulad ang Diyos ko sa akusadong rapist," dagdag pa ng manunulat. 

TINGNAN: Jerry B. Grácio - Dahil naniniwala ako na si Jesus ay anak ng... | Facebook

Samantala, tahasang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na hindi Diyos si Quiboloy para humiling na ma-hospital arrest siya sa Davao City. 

MAKI-BALITA: 'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy