October 11, 2024

Home BALITA National

'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy

'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy
Sen. Risa Hontiveros at Pastor Apollo Quiboloy (file photo)

Pumalag si Senador Risa Hontiveros sa hiling ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na “hospital arrest” sa Davao City.

Sa isang pahayag, iginiit ni Hontiveros na hindi dapat magkaroon ng “special treatment” si Quiboloy, at wala umano sa lugar ang naturang hiling ng pastor.

“Dapat walang special treatment sa kaniya. Napaka-entitled at wala sa lugar ang paghiling niya ng hospital arrest sa Davao. Bakit nga ba sa Davao? Dahil ba may isang kaibigan siyang maimpluwensya doon?” giit ni Hontiveros.

“Wala din siyang karapatan na mamili kung saan niya gustong ma-detain. Wala na siya sa loob ng 'King Dome', kaya huwag na siyang mag-astang Diyos," dagdag niya.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Samantala, binigyang-diin din ng senadora na seryoso ang mga krimeng kinahaharap ni Quiboloy.

“Seryosong mga krimen ng human trafficking, rape, at child abuse ang kinakaharap ni Apollo Quiboloy. Dapat pantay-pantay ang trato sa mga akusado, anuman ang kanilang katayuan o koneksiyon," saad ni Hontiveros.

Matatandaang humiling ang kampo ni Quiboloy ng “hospital arrest” matapos hindi pagbigyan ang naunang hiling nito na “house arrest.”

Nito lamang ding Biyernes ng umaga, Setyembre 13, nang dumating si Quiboloy sa Pasig Regional Trial Court (RTC) branch 159 para sa kaniyang arraignment sa kasong human trafficking.

MAKI-BALITA: Quiboloy, may mensahe sa kaniyang mga tagasunod: 'Tatag lang!'

Samantala, nito ring Biyernes nang inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na ibasura ng korte ang kahilingan Quiboloy na ilipat siya sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

MAKI-BALITA: Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Matatandaang noong Setyembre 8, 2024 nang maaresto ng mga awtoridad si Quiboloy matapos ang mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.

MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga