Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Ilocos Sur nitong Sabado ng umaga, Setyembre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:01 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 102 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.