September 18, 2024

Home BALITA

Bam Aquino, pinagsabihan dahil sa BAYAG niya

Bam Aquino, pinagsabihan dahil sa BAYAG niya
Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Umani ng reaksiyon mula sa mga netizen ang akronim ng grupong isinusulong ng dating senador na si Bam Aquino, na muling nagpahayag ng intensyong kumandidato ulit bilang senador sa 2025 midterm elections.

Kapag kasi inakronim ang Bam Aquino Youth Action Group, ito ay BAYAG na kahalintulad ng bahagi ng genitals ng kalalakihan.

Aniya, marami na raw nagtatanong sa kaniyang kabataan kung paano magpa-sign up para maging miyembro sa Bam Aquino Youth Action Group o kung gagawan ng acronym ay BAYAG.

"Maraming nagtatanong, 'Sen. Bam, paano po maging B.A.Y.A.G? (Bam Aquino Youth Action Group)," mababasa sa kaniyang X post noong Setyembre 11.

Eleksyon

Speaker Romualdez, tatakbong presidente sa 2028 sey ni VP Sara

"Oras na ba para sa BAYAG sign-up?"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga natuwa rito at may mga nagsabing hindi magandang "strategy" ito para matiyak niyang magkakaroon ng slot sa senatorial elections sa 2025.

May mga nagbigay ng mungkahing palitan ang pangalan ng grupo at mas gawing seryoso, gaya ng GABAY (Group Action Bam Aquino Youth) at BAYAN (Bam Aquino Youth Action for Nation).

"Naku sir hindi makakatulong yang bayag mo sa campaign mo. Fire your PR strategist. Siya din cguro nagpa-haduken kay VP Leni. DDS cguro yan strategist mo. Inuulol lng kayo para matalo."

"Sir, wag po ganito. Nakilala kayo sa maayos na imahe. Oo kailangan natin makuha ung boto ng masa, pero don't stoop down on this level po. Ang pangit. Natalo na tayo ng 2 beses, tapos ganito pa rin. Baguhin po natin."

"Senator@bamaquino that acronym has a sexual meaning in Tagalog. May I suggest changing Group to Network so that it becomes BAYAN? Or does the acronym actually intends to send a subliminal message like being able to stand up against enemies of democracy?"

"Can't you think of other names?"

"@bamaquino hi sir! Hindi po ako magaling sa ingles at sa grammar pero mas maganda po sana kung GABAY (Group Action Bam Aquino Youth) na lang. Sabi nga ni Moira Kelly sa pelikulang Cutting Edge, 'If you wanna win, you play it straight.'"

MAKI-BALITA: Bam Aquino, may pa-sign-up sa BAYAG niya

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Aquino patungkol dito.