October 11, 2024

Home BALITA National

DOH, nagbabala vs. imported Mpox vaccines

DOH, nagbabala vs. imported Mpox vaccines
MB FILE

Binalaan ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang publiko laban sa isang uri ng imported mpox vaccine na available na umano sa bansa.

Ayon sa DOH, nakarating sa kanilang kaalaman ang ulat na may organisasyon o mga indibidwal ang nag-aalok ng naturang imported mpox vaccines.

Babala naman ng DOH, ang mga naturang bakuna ay ipinasok sa bansa nang hindi dumadaan sa kanilang ahensiya at maging sa Food and Drug Administration (FDA) kaya't kaduda-duda ang bisa at kaligtasan nito.

"It has come to the attention of the Department of Health (DOH) that there may be organizations or individuals offering supposed Mpox vaccines 'imported' from abroad," ayon sa health advisory ng DOH.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

"The public is cautioned against availing such vaccines," anang DOH. "They have been brought into the country without the careful attention of regulatory agencies like the DOH and its Food and Drugs Administration."

Paliwanag ng DOH, ang mpox vaccines ay nangangailangan ng maayos na storage at handling condition, gaya ng cold chains.

Kung wala anila ang masusing pagbabantay ng DOH at FDA, walang paraan upang matiyak ang kaligtasan at bisa ng naturang bakuna.

Payo pa ng DOH, mas makabubuting mag-avail na lamang ng bakuna laban sa mpox, sa sandaling nasa bansa na ito, upang magkaroon ng tunay, ligtas at epektibong bakuna.

"It is better to get Mpox vaccine doses in the Philippines once they are legally available, to ensure that you are getting real, safe, and effective vaccines, and not just a false sense of security," ayon pa sa DOH.