September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Same spot? Paulo sinagot intrigang magkasama sila ni Kim sa LA

Same spot? Paulo sinagot intrigang magkasama sila ni Kim sa LA
Photo courtesy: Kim Chiu (IG)/Paulo Avelino (IG)

Iniintriga ng KimPau fans sina Kim Chiu at Paulo Avelino na tila magkasama raw sa isang tourist spot sa Los Angeles, California, USA, dahil sa pagkakapareho ng spot na kanilang kinalalagyan sa kani-kanilang Instagram posts.

In fairness, ang daming time ng fans para pansinin pa ang mga detalyeng ito ha!

Pero kalmante at simpleng winalis ng aktor ang alingasngas sa pagsasabing nagkataon lang.

Photo courtesy: Screenshot from Paulo Avelino (X)

"Grabe naman kayo. Nagkataon lang," mababasa sa X post ni Paulo. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa mismong Instagram posts ay dinumog ng mga tanong at urirat ang dalawa, kung sino raw ba ang "official photographer" nila. 

"Mga nag-iisip kung sino ang nagpicture kay Pau."

"Hmmm puwede na ilabas Kim..."

"Sinong kasama mo?"

"Nagkataon lang ba talaga?"

Nagsimula ang shipping kina Kim at Pau dahil sa matagumpay na pagtatambal nila sa seryeng "Linlang" at "What's Wrong with Secretary Kim." Nagkataon pang pareho silang napaulat na single.

Samantala, dapat pakaabangan ng KimPau fans ang nilulutong pelikula para sa kanilang dalawa.