Pumayag kaya ang kontrobersyal na madir ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo na sumali sa Mrs. Philippines pageant sa March 2025?
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, mismong presidente ng Mrs. Philippines Organization ang humimok kay Mother Yulo na lumahok sa kompetisyon, na may grand prize na ₱150k. Bongga!
Pahayag naman ng reigning Mrs. Philippines na si Erika Joy Santos, nakikita niyang may K si Angelica na sumali sa nabanggit na timpalak dahil bukod sa taste niya sa fashion, matagumpay rin siya sa pagpapalaki ng mga anak na pare-parehong athletic.
Gusto nga raw makausap nang personal ni Santos si Mrs. Yulo para kumbinsihin itong subukin ang pagsali sa pageant.
Pero ang tanong, patusin kaya ni Mother Angge ang hamong ito? Kung nagkataong manalo, siya na ang "Golden Mom" bilang panapat sa champion award ng anak na si Caloy, na tinatawag namang "Golden Boy."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sey si Angelica tungkol dito.