September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Lahbati, nakitaan ng marijuana sa bag?

Sarah Lahbati, nakitaan ng marijuana sa bag?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Hindi nakaligtas sa “eagle-eyed” netizens ang larawan ni Sarah Lahbati na kuha umano sa isang birthday party kung saan makikita ang isang bagay na nakadungaw sa shoulder bag ng aktres.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Setyembre 10, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang naturang larawan ni Sarah kasama si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

“Ang kapansin-pansin at napansin ng mga fans e itong nakasukbit sa bag ni Sarah Lahbati. Kung mapapansin mo sa bag…e mayro’n siyang live resin,” lahad ni Ogie.

Ayon sa tala, ang live resin umano ay isang uri ng cannabis na mula sa sariwang marijuana na kilala sa mayaman nitong substance at aromatic profile.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Pero sinabi rito, hindi pa raw iyon legal sa Pilipinas. Paano sila nakakuha? Kaya sinabi rito: ‘Kapag may pambili, may mabibili,’” wika niya. 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o komento si Sarah hinggil sa nasabing intriga.

Kaya sabi ni Ogie: “Hintayin natin si Sarah Lahbati kung paano naman niya ito maipapaliwanag. Bakit siya mayro’ng gano’n sa kaniyang bag.”